
KUWARTO
Isang Dulang Pampelikula ni:
Myra Sherilyn M. Maestro
Title: Kuwarto
Writer: Myra Sherilyn M. Maestro
Running Time: 30 minutes
Airing Date: June 13, 2006
Isang masamang panaginip ang palaging gumigising kay RALPH 4:30 ng madaling araw. Mga panaginip na nagpapagulo at nagbibigay ng mga katanungan sa kanya. Si RALPH IGNACIO ay isang ordinaryong kabataan na may edad na 20 anyos, 5’8 ang taas, Moreno ang balat, pang-varsity player na katawan, top sa mga exmans, at talented na estudyante sa “Ed Al Ellas University”. Mangingisda ang kanyang ama na si Albert at ordinaryonh maybahay ang kanayng ina na si Jona.
1. INT. KWARTO NI RALPH. MADALING ARAW
Alas kwatro emedya ng madaling araw ay nagising si Ralph dahil sa masamang panaginip.
RALPH
Aaaaaahhh.. wag….!!!
Sumisigaw siya dahil sa paulit-ulit na panaginip . Babangon siya. At iinom ng isang basong tubig na nakapatong sa kanyang study table.
RALPH
Haaayy!!! (buntong hininga). Ayun na naman ang panaginip. Isang lingo ko ng nakikita yung mga images na yun. Di ko talaga maintindihan kung ano ang meaning non. (kamot sa ulo at sabay bangon sa higaan, biglang madadapa dahil naapakan niya yung mga holen na ginagamit niya para sa kanyang artwork.)
Napahambas yung mukha niya sa sahig. Pero sa halip na magalit at mairita sa nangyari ay tumawa na lang ito. Tumayo na lang at humarap sa salamin.
RALPH
Ouchhh!!! Ayyy.. Katanga naman nitong gwapong si Ralph Ignacio. (Nakatingin sa salamin habang pinagmamasdan at kinakausap ang sarili). Guwapo nga pero may pagkatanga kung minsan. Di bale astig naman. (tatawa ng malakas habang nakatingin pa rin sa salamin).
2. INT. SALA NG BAHAY NI RALPH. DAY
Nagluluto si Aling Jona, nanany ni Ralph, ng almusal. Habang ang taay niya naman na si mang Albert ay nakaupo sa mesa at nagbabasa ng komiks. At si Ralph ay nakaupo sa sala at nagrereview ng ieexam nila sa Chemistry.
ALING JONA
Rap-rap.. Halika na ditto. Kumain ka na at bakaq mwalan ka na naman ng masasakyang jeep sa terminal, alam mo naming mahirap makasakay ditto sa lugar natin, dahil kakaunti lamang ang jeep na pumapasadad.
Inilalagay ang mga pagkain sa mesa. Papalapit si Ralph at uupo sabay ng pagbati sa ama.
RALPH
Pa..papa… Bakit po ba komiks yung binabasa niyo sa halip na newspaper?
MANG ALBERT
Anak!! Pampagana ito bago ako pumalaot. At saka may radyo naman sa bangka.
Umiinom ng kape at pandesal habang nakikipag-usap sa anak.
RALPH
Ahh!! Ganon ba!? Strategy pala yun ha, pa..papa..!
MANG ALBERT
Tigil-tigilan mo na nga yang pagtawag sa akin ng papa. Ang sagwa kasi.. Tatay na lang..
RALPH
Ehhhh. . . !!!
Puputulin ni Mang Albert ang pagsasalita ng anak.
MANG ALBERT
Tama, tama na yan. Bilisan mo na yang pagkain mo at baka mahuli ka pa.
Ang pagbibiruan ng mag-ama ay parang magkapatid lamang ang turingan sa isa’t isa. Natatawa na lamang si Aling Jona sa tuwing ganito ang nangyayari sa dalawa.
Larawan ng masayang pamilya si Raplh. Di man sila ganon kayaman tulad ng iba. Ang pagsasama ng mag-asawa ay maganda at pati na ang pakikitungo nila sa isat’isa.
MANG ALBERT
Teka.. Ahhh.! Good luck sa exam ha..
RALPH
Salamat..pa..A..tay.. pala! Ingat kayo ha. Ma, alis na po ako at baka matagalan ako sa paghihintay ng jeep don sa terminal. (hahalik sa pisngi ng kanyang ina atlalabas ng bahay.
3. EXT. NAGLALAKAD SI RALPH MULA SA BAHAY PAPUNTANG TERMINAL. DAY
Kinakausap ang sarili habang pinaiikot ang sumbrero sa kanyang daliri.
RALPH
Haaayy!!! Nasan na kaya si Rain? Miss ko na siya. Tatlong araw ko ding hindi nakita dahil sa 3-day seminar nila sa Tagaytay.
Biglang dadating at lalapit si Rain sa kanya ng hindi niya namamalayan.
RAIN
Oyyy!!! Ralph. Musta?!
Tinapik ni Rain ang balikat ni Ralph na ikinagulat niya. Sabay nahulog ang sumbrerong hawak niya.
RALPH
Kaw pala, bestfriend. Para ka talagang bula, bigla-bigla ka na lang sumusulpot ant nawawala. Kelan ka pa dumating?
Kinuha ang sumbrero na nahulog at pinagpatuloy ang paglalakad.
RAIN
Uhmmm! Kagabi lang. Nakakapagod nga eh,pero masaya. May cute ngang guy don eh., taga ibang school siya. Grabe!! Cute talaga niya.
Biglang kukunot ang noo ni Ralph. At halatang naiirita sa kinikwento ni Rain.
RALPH
Cute?! Baka naman parang aso kung ngumiti yun. At wala namang laman ang utak.
RAIN
Hindi kaya. Ang talino nga nun. In fact, siya nga yung only representative ng university nila. Teka bakit ba?! Siguro.. nagseselos ka? Ayyy, selos siya., selos..
Tumatawa si Rain habang inaasar ang bestfriend.
RALPH
Ako, magseselos. Hindi ah. Sa guwapo kong ‘to npakadaming girls ang nagkakandarapa sa akin.
Halatang napipikon na si Ralph. Dahil sa kakatawa at kakaasar ni rain sa kanya.
RAIN
Ha. . !!?? Hello.!???? Nagkakandarapa, asan sila? Asan sila? Bakanaman nag-iimagine ka lang niyan ah. Gawa lang ng imagination mo. Eh napaka-imaginativemi kasing tao kaya kung ano-ano yang mga naiisip mo.
Tumatawa habang tumatakbo si Raplh. Habang patuloy pa ring nang-aasar kay Raplh. At si Raplh naman ay asar na asar na dahil kay Rain.
---to be continued-----
No comments:
Post a Comment