AB Communication Arts 3-1 Year 2006
What If? What if lahat ng nakikita mo ay hindi totoo, kundi gawa-gawa lamang ng iyong imahinasyon?
What is the story all about? Tungkol sa isang lalaki na may masamang nakaraaan. Nakakakita siya ng mga bagay na akala niyang totoo ngunit imahinasyon lang pala at gawa lamang ng kanyang pagnanais ng magandang buhay.
What is the story really about? Upang iparating sa lipunan na hindi lahat ng mga bagay sa mundo ay pwedeng daanin sa panaginip lamang. Ang lipunan natin ngayon ay nasasadlak sa kahirapan at pang-aalipin ng may kapangyarihan. Tulad ni Ralph, hindi niya alam na hindi totoo ang lahat ng kanyang naiisip at nararanasan, kundi dulot lamang ito ng kanyang pagnanais ng tahimik at magandang buhay. Inalipin ng kanyang mga kagustuhan at sa banding huli ay lalo pa siyang masasaktan. Ang buhay ni Ralph ay sumasalamin hindi lamang sa mga taong kulang sa pag-iisip kundi sa mukha ng lipunan natin ngayon. Ang kanyang naranasan ay parang ang nangyayari ngayon sa mga Pilipino. Na tila isang bangungot na kailangan nating magising sa katotohanan.
TV or Film? Film.
Genre? Drama.
Single character or Multi-character? Single character.
Plot Driven or Character Driven? Character Driven.
Approach to Reality? Realistic.
Storyline: MIND’S EYE Isang masamang panaginip ang palaging gumigising kay Ralph tuwing 4:30 ng madaling araw. Mga panaginip na nagpapagulo at nagbibigay ng mga katanungan sa kanya. Hindi niya tunay na mga magulang ang tinitirhan niya, inampon lamang siya ng mga ito. Ang kwento ng kanyang mga magulang ay nakita siya sa tabing dagat noong 5 taong gulang pa lamang siya, walang maalala na kahit ano, kahit ang kanyang pangalan. Dahil sa kabutihan ng mag-asawa ay inalagaan siya at itinuring na parang tunay na anak. Lumaking mabait, matalino at masiyahin si Ralph. Pagkatapos ng mahigit 15 taon ay magtatapos na siya ng kolehiyo. Kasa-kasama niya ang kanyang bestfriend na si Rain. Siya ang kababata nito. Ngunit plaging magkalaban sa lahat ng contest na kanilang sinasalihan. Isang araw papunta sa university si Rain ay may narinig siyang bulong-bulungan tungkol sa isang bata na nawawala at inaakalang patay na. Ang araw din na nakita si Ralph ng kanyang mga magulang ay ang araw din ng pagkawala ng bata. Ang ama daw ng bang iyon ay baliw at pinatay ang sariling asawa dahil sa isang panaginip nito na may ibang lalaki ang kanyang misis. Pati ang kanilang anak ay balak ding patayin ngunit nakatakbo ang bata at hindi na alam pa kung anon a ang nangyari. Ang babaing nagsimula ng gayong kwento ay ang kapitbahay nila na si Elena na nakasaksi rin sa mga pangyayari. KIlalang tsismosa sa kanilang lugar. Dumating ang term ng semester na kailangan ng asikasuhin ang thesis. Sa kanyang pagreresearsh, ay nagpunta siya sa isang probinsya upang maghanap ng mga data. Sa kanyang paglilibot doon ay may nakita siyang isang malaking bahay na tila ay pamilyar sa kanya. Pumasok siya don at nagbakasakaling may mapagtatanungan siya. Walang tao, ngunit parang may humihila sa kanya paloob. Nilibot niya ang buong bahay, lahat ng sulok, pati mga kwarto. Isang kwarto ang nakatawag ng pansin sa kanya. Pumasok siya dito, ngunit sa kanyang pagpasok ay ikinagulat niya ang nakita. Yun ang palagi niyang napapaginipan na isang madilim na kwarto. Sumakit ang kanyang ulo at biglang nagkaroon ng mga alaala sa kanyang isipan. May nakikita siyang mag-asawa at isang bata sa malaking bahay katulad ng bahay na iyon. Ang kanyang nakikita ay ang kanyang tunay na pamilya. ISang trahedya ang naganap kaya nag-iba ang takbo ng buhay ni Ralph. Baliw ang kanyang ama at sa tuwing may sumpong ay nananakit ito. Isang madilim at malamig na gabi ay bumangon ang kanyang ama na tila ay galit nag alit, bumaba sa kusina at kinuha ang kutsilyo. PAgbalik sa kwarto ay inundayan niya ng saksak ang kanyang asawa. Kitang-kita ito ni Ralph ng noong mga panahong iyon ay 5 taong gulang pa lamang siya. Ibinaling ang tingin ng ama sa kanyang anak. Tumakbo si Ralph papalabas ng bahay dahil siya naman ang papatayin ng kanyang ama. Sa kanyang pagtakbo ay nadulas siya sa isang malalim na hukay papunta sa dagat. Pagkatapos noon ay nagising na lamang siya na wlang malay at walang maalala. Sa pagbabalik ng kanyang ala-ala ay nagbalik din ang sakit ng kanyang nakaraaan. Nagising si Ralph sa isang kwarto kasama ang kanyang bestfriend na si Rain. Nakasuot ng puti si Ralph at naroon sa napakaliwanag na kwarto na walang laman kundi kama lamang. Nasa mental hospital siya. Lahat ng naiisip niya na may nag-ampon sa kanya ay isang imahinasyon lamang, ng pagkakaroon ng magandang buhay. Lahat ng kanyang mga nakikita ay hindi totoo kundi nasa isip niya lamang. Hereditary ang kanyang sakit na lumala dahil sa kanyang nakita. Ang kanyang ama ay nandoon din sa hospital na iyon. Ang buong akala niya ay totoo lahat ng kanyang nakikita.
No comments:
Post a Comment